^

PSN Palaro

BEST tankers hahakot ng ginto sa Dubai

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang taong pagkakatengga dahil sa pandemya, masisilayan sa aksyon sa kauna-una­hang pagkakataon sa international competitions ang Behrouz Elite Swimming Team (BEST).

Puntirya ng BEST tan­kers na humakot ng gintong medalya sa pretihiyosong Dubai Invitational Swimming Championships na idaraos sa Dubai, United Arab Emirates sa Pebrero 12 hanggang 14.

Optimistiko si BEST team manager Joan Moj­deh sa magiging kampan­ya ng Pinoy swimmers sa torneong lalahukan ng mahuhusay na swimmers mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Naimbitahan ang BEST squad ng Hamilton Swimming Team na isa sa mga inilampaso ng koponan sa mga nakalipas na edisyon ng torneo.

“Malaking tournament po itong Dubai Invitational, talagang mapapalaban ang mga swimmers namin dahil mga Olympians ang talagang sumasali rito,” ani Mojdeh.

Inaasikaso na ni Moj­­deh ang mga dokumen­tong kailangan para makumpleto ang mga kaila­ngang ipre­sinta sa pagpasok ng Dubai.

Kinumpirma rin ni Moj­deh na fully-vaccinated na ang delegasyong ipadadala nito sa Dubai.

Mangunguna sa kampanya ng BEST si Philippine national record holder Micaela Jasmine Mojdeh kasama sina Marcus De Kam, Jordan Lobos at John Neil Paderes.

Sa nakalipas na PSI National Bubble noong Oktubre, humakot si Paderes ng tatlong ginto habang sumisid naman si Mojdeh ng isang ginto, tatlong pilak at isang tanso.

“Malaking gauge po ito para mas makondisyon sila, lalo’t almost two weeks lang at Open na which is set on Feb. 25-27,” ani Joan.

BEST

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with