^

PSN Palaro

BEST tankers optimistikong makakakuha ng slot sa Philippines team

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
BEST tankers optimistikong makakakuha ng slot sa Philippines team
Micaela Jasmine Mojdeh.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tiwala ang matitikas na miyembro ng Behrouz Elite Swimming Team (BEST) na makahihirit ng puwesto ang mga ito sa national team na ilalaban sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Nasa unahan ng lista­han si national junior record holder at Palarong Pambansa multi-gold medalist Micaela Jasmine Mojdeh sa may pinakamalakas na tsansang makapasok sa national team.

Aminado si BEST head coach Virgilio De Luna na matindi ang magiging bakbakan para makakuha ng slot sa national team subalit kumpiyansa ito sa tikas ng kanyang bataan.

“Hindi biro ang pinagdaanan nating pandemic. Kaya kahit sa virtual online at text lang nagu-usap kami at ibinibigay ko sa kanila ang mga programa para manatiling kondisyon ang kanilang mga katawan at kaisipan,” ani De Luna sa TOPS Usapang Sports na suportado ng Philippine Sports Commission, Philippine Amusement Gaming Corporations (PAGCOR) at Games and Amusement Board (GAB).

Sasabak ang BEST swimmers sa Philippine National Open ng Philippine Swimming Inc. (PSI) na isa sa mga magiging batayan sa selection process.

Kasama ni Mojdeh sa may malakas na tansang makakuha ng tiket sa national team sina Jordan Ken Lobos, Marcus Johannes DeKam at John Nell Paderes.

“Hindi po biro ang National Team. Lahat kami yan ang pangarap kaya talagang pinaghahandaan. Sa ngayon po, kahit may pandemic, wala namang pressure basta kami sunod lang sa programa ni coach, After ng study, trai­ning naman,” ani Mojdeh na Grade 11 student ng Brent International-Laguna.

Gaganapin ang PSI National Open sa Peb­rero 25-27 sa New Clark City sa Pampanga kung saan umaasa ang BEST swimmers na mapapasama sa national team.

BEST

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with