^

PSN Palaro

Bulanadi gagamitin muna sa Gilas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Bulanadi gagamitin muna sa Gilas
Ito ay matapos isiwalat ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na target muna nitong palaruin si Bulanadi sa Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup Qualifiers sa Pebrero.
STAR / File

MANILA, Philippines — Maghihintay muna ng ilang linggo si Allyn Bulanadi bago masilayan sa aksiyon sa Philippine Basketball Association (PBA) suot ang Alaska Aces jersey.

Ito ay matapos isiwalat ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na target muna nitong palaruin si Bulanadi sa Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup Qualifiers sa Pebrero.

Sa oras na matapos ang qualifiers, ito na ang magiging hudyat para  makasama na nito ang Aces sa kampanya nito sa PBA Govenors’ Cup.

“Nire-request ng SBP na maglaro muna si Allyn sa February window bago siya i-release sa PBA,” kumpirma ni Danny Espiritu na agent ni Bulanadi.

Isa si Bulanadi sa limang players na naka-kontrata sa SBP para maging bahagi ng Gilas Pilipinas.

Noong 2019, kinuha ng Alaska Aces si Bulanadi bilang fourth pick sa Gilas Pilipinas special draft.

Maliban kay Bulanadi, nahugot din sa special draft sina Isaac Go (Terrafirma), Rey Suerte (Blackwater), Matt Nieto (NLEX) at Mike NIeto (Rain or Shine).

Nakatakdang mapaso ang kontrata ng Gilas Draftees sa Enero 31.

Idaraos naman ang first window ng FIBA World Cup Qualifiers sa Pebrero 24 hanggang 28 sa Smart Araneta Coliseum.

Subalit posible pang mabago ang lahat depende sa magiging sitwasyon ng bansa ilang linggo bago ang natu-rang petsa.

Sa kasalukuyan, bumababa na ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa National Capital Region (NCR) na magiging venue ng qualifiers.  

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with