^

PSN Palaro

36ers ni Sotto bigo sa Melbourne

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
36ers ni Sotto bigo sa Melbourne
This Oct. 21, 2021 photo shows Filipino talent Kai Sotto playing for the Adelaide 36ers in the Australian National Basketball League.
Instagram / Kai Sotto

MANILA, Philippines — Bigo si Kai Sotto sa kanyang ikalawang pagsalang sa Adelaide 36ers matapos lumasap ang kanyang tropa ng 78-97 kabiguan sa kamay ng Melbourne United sa pagpapatuloy ng 2021-22 Australia National Basketball League (NBL) sa Adelaide Entertainment Centre.

Naglaro ng 16 minuto ang 7-foot-3 Pinoy cager kung saan nakalikom ito ng anim na puntos — lahat ga-ling sa slam dunk — kasama pa ang walong rebounds at isang steal.

Kinapos ang Adelaide para mahulog sa ikaapat na kabiguan sa pitong pagsalang.

Nanguna para sa 36ers si Cameron Bairstow na nagsumite ng 18 puntos mula sa 8-of-14 shooting clip habang naglista naman si Sunday Dech ng 13 points.

Nag-ambag sina Todd Withers at Dusty Hannahs ng tig-12 puntos samantalang may 10 rebounds at pitong assists si Mitch Mccarron para sa Adelaide.

Umangat naman sa 7-2 ang Melbourne — ang reigning NBL champion.

Bida para sa Melbourne si Chris Goulding na bumanat ng anim na three-pointers para makalikom ng kabuuang 18 markers samantalang may 18 puntos, walong rebound at tatlong blocks naman si Jo Lual-Acuil.

Umiskor naman si dating NBA player Matthew Dellavedova ng tatlong puntos at pitong assists para sa Melbourne.

Sunod na sasabak ang Adelaide kontra sa Illawarra sa Win Entertainment Centre.

KAI SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with