^

PSN Palaro

Phoenix nangunguna pa rin; Bucks ‘di natinag sa No. 4

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagbandera ng mainit na Phoenix Suns sa NBA at sa Western Conference, habang nanatili ang nagdedepensang Milwaukee Bucks sa No. 4 spot sa Eastern Conference.

Sa Phoenix, tinumbasan ni Mikal Bridges ang kanyang season high na 23 points para igiya ang Suns (36-9) sa 113-103 pagtusta sa Indiana Pacers (17-30) at ilista ang kanilang ikaanim na sunod na pananalasa.

Si Bridges ang sumalo sa papel ni top scorer Devin Booker na umiskor ng 11 markers mula sa mahinang 5-of-23 fieldgoal shooting.

Hawak ang 59-54 abante sa halftime ay umarangkada ang Phoenix sa  third quarter para itayo ang 20-point lead hanggang makalapit ang Indiana sa 99-105 sa hu-ling 3:59 minuto ng fourth quarter.

Ngunit iyon na ang huling paghahamon ng Pacers matapos muling makalayo ang Phoenix sa pamumuno nina Brid-ges, Bismack Biyombo at Chris Paul.

Dinuplika ni Biyombo ang kanyang career best na 21 points bukod pa sa 13 rebounds para sa Suns, habang naglista si Paul ng 18 markers at 16 assists.

May tig-17 points sina rookie Chris Duarte at Lance Stephenson sa panig ng Pacers.

Sa Milwaukee, humataw si Khris Middleton ng game-high 34 points sa 133-127 pagdaig ng nagdedepensang Bucks (30-19) sa Sacramento Kings (18-30).

Ito ang ikatlong dikit na ratsada ng Milwaukee para manatili sa No. 4 sa Eastern Conference bagama’t hindi naglaro si star Giannis Antetokounmpo (right knee soreness).

Nag-ambag si guard Jrue Holiday ng 26 markers at may 20, 17 at 15 markers sina Donte DiVincenzo, George Hill at Pat Connaughton, ayon sa pagkakasunod.

Tumapos si Harrison Barnes na may 29 points para sa Kings.

Sa Cleveland, tumipa si Darius Garland ng 23 points at 11 assists sa 94-87 panalo ng Cavaliers (28-19) sa Oklahoma City Thunder (14-32) para sa No. 5 seat sa East.

NBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with