^

PSN Palaro

Rowing team hataw ng 8 medalya sa Asian tilt

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Rowing team hataw ng 8 medalya sa Asian tilt
Cris Nievarez
STAR / Russell Palma

MANILA, Philippines — Sumagwan ang national rowing team ng anim na pilak at dalawang tansong medalya sa 2022 Asian Rowing Virtual Indoor Championships na ginanap via online.

Nanguna sa kam­panya ng Pilipinas si Tokyo Olympics veteran Cris Nievarez na kumana ng pilak na medalya sa men’s under-23 2000m.

Nagtala si Nievarez ng ng anim na minuto at 25.9 segundo para magkasya sa pilak habang nasikwat nina Hong Kong bet Wong Ho Yin ang ginto tangan ang bilis na 6:19.6. Puma­ngatlo si Wong Wai Chun ng Hong Kong na may naitalang 6:28.3.

Nagpasiklab din si Kristin Paraon na nakahirit ng dalawang pilak na medalya sa women’s under-23 2000m (7:47.8) at women’s under-23 500m (1:46.1).

Nasa ikalawang puwesto rin si Joachim De Jesus sa men’s under-23 500m bunsod ng nairehistro nitong 1:28.50 habang nakapilak din si Zuriel Sumintac sa men’s 500m sa bilis na 1:26.60.

Isa pang pilak ang idinagdag ni Alyssa Go sa women’s lightweight 500m (1:45.20).

Galing naman ang tansong medalya kina CJ Jasmin sa men’s U23 2000m (6:38.80) at Kharl Julianne Sha sa women’s lightweight under-23 (1:45.80).

Masaya ang pamunuan ng Philippine Rowing Association (PRA) sa kampanya ng kanilang bataan dahil magandang pambungad ito para sa kanilang 2022 campaign.

ROWING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with