^

PSN Palaro

NCAA desididong magbukas sa Marso 5

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
NCAA desididong magbukas sa Marso 5
Nasa Alert Level 3 ang buong National Capital Region (NCR) hanggang sa pagtatapos ng Enero kaya’t natigil ang lahat ng training ng contact sports kabilang na ang basketball at volleyball.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Desidido ang NCAA Management Committee na masimulan ang Season 97 ng liga sa Marso 5.

Nasa Alert Level 3 ang buong National Capital Region (NCR) hanggang sa pagtatapos ng Enero kaya’t natigil ang lahat ng training ng contact sports kabilang na ang basketball at volleyball.

Kaya naman sumulat ang pamunuan ng liga sa Commission on Higher Education (CHED) at Inter-Agency Task Force (IATF) para mabigyan ng exemption ang varsity teams na makapagsanay.

Hinihintay pa ng NCAA ang magiging sagot ng CHED na siyang mag-eendorso ng kanilang kahilingan sa IATF.

Sa oras na makakuha ng go signal, agad na tutulak sa ensayo ang mga teams para paghandaan ang pagbubukas ng liga sa Marso.

Nabigyan ng clearance ang mga student-athletes na makapagsanay sa isang bubble setup noon pang Disyembre habang nasa ilalim pa ng mas maluwag na Alert Level 2 ang Metro Manila.

Subalit naging mala-king pasakit ang paglobo ng bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa sa pagpasok ng Enero kung saan umabot na sa record-breaking 34,000 ang mga nagkakasakit kada-araw.

Kaya naman umaasa ang buong sports community na muling buma-ba ang kaso ng CO-VID-19 upang makabalik sa mas mababang alert level ang NCR.

Ito lang ang tanging paraan para maging maluwag sa restriksiyon ang CHED at IATF.

Maging ang professional leagues gaya ng PBA ay puwersadong ihinto ang liga at training para masiguro ang kaligtasan ng mga players, coaches at officials.

CHED

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with