_ngayon
^

PSN Palaro

Vietnam SEAG tuloy

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Vietnam SEAG tuloy
31st Southeast Asian Games

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Vietnam na matutuloy ang kanilang pagdaraos sa 31st Southeast Asian Games sa kabila ng pagsirit ng mga COVID-19 cases sa rehiyon bunga ng Omicron variant.

Matapos ilunsad ang gagamiting official logo at mascot ay inilabas naman ng Vietnam Sports Admi­nistration (VSA) ang official slogan na “For a Stronger South East Asia” para sa SEA Games at ASEAN Para Games.

Nakatakda ang SEA Games sa Mayo 12 hanggang 23 kung saan ang Hanoi ang tatayong main venue para sa karamihan ng mga sports events  habang ang iba ay gagawin sa mga probinsya ng Quang Ninh, Phu Tho at Bac Ninh.

Nauna nang itinakda ang biennial event noong Nobyembre ng nakaraang taon bago iniurong dahil sa paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa Vietnam.

Dahil sa patuloy na COVID-19 surges sa Southeast Asia ay marami ang nangangamba na tuluyan nang makakansela ang pagdaraos ng Vietnam sa SEA Games.

Kamakailan ay ipinagpaliban ng Vietnam ang International Badminton Challenge na nakatakda sa Marso 22-27 dahil sa pandemya.

Ang Cambodia ang tatayong host sa Mayo ng susunod na taon matapos ang Pilipinas noong 2019 kung saan inangkin ng mga Pinoy athletes ang overall championship.

Inaasahang muling kukumpirmahin ng Vietnam ang kanilang pamamahala sa SEA Games sa nakatakdang pulong ng mga Chef de Mission (CDM) sa Enero 18.

Higit sa 600 atleta ang isasabak ng  Philippine Olympic Committee (POC) sa 39 mula sa 40 sports ng Hanoi SEA Games.

Naunsiyami ang pagbabalik-ensayo ng mga national teams sa mga pasilidad ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Manila at Pasig City nang humataw ang mga COVID-19 cases sa Metro Manila.  

COVID-19 SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with