^

PSN Palaro

Magsayo ipatitikim ang bagsik ng Pinoy kay Russell

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Magsayo ipatitikim ang bagsik ng Pinoy kay Russell
Mark Magsayo
Patrick T. Fallon / AFP

MANILA, Philippines — Kabahan ka na Gary Russell matapos ideklara ni undefeated Pinoy fighter Mark Magsayo na ilalabas nito ang bagsik ng isang Pinoy boxer sa oras na magkrus ang kanilang landas sa Enero 22 (Enero 23) sa Borgata Hotel Casino and Spa sa Atlantic City, New Jersey.

Walang ibang hangad si Magsayo kundi ang maagaw ang World Bo­xing Council (WBC) fea­therweight belt ni Russell.

Kaya naman handa itong gawin ang lahat upang maisakatuparan ang inaasam na maging world champion.

Puspusan ang pagha­handa ni Magsayo kasama si Hall of Famer Freddie Roach sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.

At patutunayan ni Mag­sayo na matitikman ni Russell ang puwersa at lakas na hindi pa nito nararanasan sa kanyang mga nakalipas na laban.

“I don’t think Gary has faced anyone since he became champion that has the skills that I have. I’m going to go in there to show him something he’s never seen before and we’ll see how he reacts,” ani Magsayo.

Sa buaong boxing career ni Russell, ito pa lamang ang unang pagkakataon na makakasagupa nito ang isang Pinoy fighter.

Hindi naman lingid sa kaalaman ni Russell na kilala ang Pilipinas sa may mahuhusay na boksingero sa mundo gaya nina eight-division world champion Manny Pacquiao at four-division world champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire.

“I’m going to show the world that I’m the best at this weight. This is the fight that I’ve wanted for a long time. I’ve been waiting patiently for my chance and I’m ready to do my best,” ani Magsayo.

MARK MAGSAYO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user