_ngayon
^

PSN Palaro

Sotto handa nang rumesbak — Bruton

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naging “blessing in disguise” para kay Kai Sotto ang kanselasyon ng ilang laro ng Adelaide 36ers sa Australia National Basketball League (NBL).

Ito ay dahil nabigyan ng pagkakataon si Sotto ng full recovery matapos magtamo ng injury bago pa man magsimula ang season.

Kaya naman inaasa­hang nasa full strength na ang 7-foot-3 Pinoy cager sa oras na muli itong sumalang sa kanilang susunod na laro, ayon kay Adelaide head coach CJ Bruton.

“He’s definitely come back and as he has all off-season and since I’ve been here, he has shown his ability to impact the game not only on the defensive end but also the offensive end,” ani Bruton sa Ask The Coach.

Nakita ni Bruton na bumalik na ang tikas ni Sotto matapos sumalang sa pukpukang ensayo sa nakalipas na mga araw.

Naniniwala ito na magiging isang dominanteng puwersa si Sotto sa court dahil malaki ang naging improvement nito sapul nang una itong sumalang noong Disyembre.

“By being so big, he has the ability by being so big he can dominant around the rim in that role. I see it no differently coming into our next game as well,” ani Bruton.

Kasalukuyang may 2-3 rekord ang Adelaide.

Huli itong sumalang noon pang Disyembre 18 kung saan lumasap ang tropa ng 67-93 kabiguan sa kamay ng Cairns.

Muling sasabak ang Adelaide laban sa Perth sa Enero 18.

Matatandaang nalagay sa COVID-19 protocols ang buong koponan ng 36ers nang may magposi­tibo na miyembro nito bago matapos ang Taong 2021 na dahilan ng kanse­lasyon ng kanilang mga laro.

KAI SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with