_ngayon
^

PSN Palaro

Visa ni Djokovic kinansela uli

Pilipino Star Ngayon

MELBOURNE — Muling kinansela ng Australian go­vernment sa ikalawang pagkakataon ang visa ni World. No. 1 tennis player Novak Djokovic dahil hindi pa siya bakunado laban sa COVID-19 na maaaring maglagay sa mga mamamayan nito sa panganib.

Sinabi kahapon ni Immigration Minister Alex Hawke na gumamit siya ng discretionary powers para kanselahin ang visa ni Djokovic.

Nauna nang pinalabas ang Serbian netter sa immigration detention noong Lunes.

Dahil dito ay hindi na makakapasok si Djokovic sa Australia sa loob ng tatlong taon maliban na lamang sa ibang mahalagang dahilan.

Dumating si Djokovic sa Australia noong Enero 5 at sinasabing nabigyan ng visa noong Nobyembre 18 at exemption na inaprubahan ng Tennis Australia chief medical officer at isang Victorian government independent expert panel.

Matapos kuwestiyunin sa Melbourne airport ay kinansela ang visa ni Djokovic ng isang opisyal ng home affairs minister.

NOVAK DJOKOVIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with