_ngayon
^

PSN Palaro

Hidilyn positibo rin sa COVID-19

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Hidilyn positibo rin sa COVID-19
Hidilyn
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hindi rin nakaligtas si Tokyo Olympics gold me­dalist Hidilyn Diaz sa bagsik ng coronavirus disease (COVID-19) matapos itong magpositibo sa virus.

Inihayag ni Diaz sa kanyang social media account na nagpositibo ito sa isinagawang test sa kanya ng Philippine Red Cross.

Kaya naman agad itong nag-isolate upang hindi na makahawa pa ng ibang taong kanyang nakakasalamuha.

Nagbigay din ng mensahe si Diaz na patuloy na mag-ingat upang makaiwas sa mapanganib na virus.

Pinaalalahanan din nito ang lahat na sumunod sa ipinatutupad na safety and health protocols para sa ikabubuti ng lahat.

“Kahit ako po, nag-positive na po. Ingat po tayong lahat. Magpalakas at sundin lahat ng health protocols,” ani Diaz.

Bumuhos naman ang mainit na mensahe mula sa kanyang mga tagahanga para sa mabilisang paggaling ng Pinay weightlifter.

Fully vaccinated na si Diaz. Nagkaroon pa ito ng booster shot noong Enero 4.

Nasa puspusang ensayo pa naman ito para paghandaan ang kanyang mga susunod na torneong lalahukan.

Kasama ni Diaz sa training camp ang kasintahang si Julius Naranjo na madalas na nagpopost ng video clips sa estado ng training nito.

Ilan sa mga nakalin­yang torneo sa taong ito ang Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam, at ang Asian Games sa Hangzhou, China.

Tututukan din ni Diaz ang 2024 Paris Olympics kung saan ipagtatanggol nito ang kanyang korona na napanalunan noong T­okyo Olympics.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with