^

PSN Palaro

Shiga Lakestars ni Kiefer nag-fund raising para sa mga nasalanta ng bagyong Odette

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakalikom ang Shiga Lakestars ni Kiefer Ravena ng pondo para makatulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette na tumama sa malaking bahagi ng Pilipinas noong Disyembre.

Ayon sa post sa official social media account ng Shiga Lakestars, may kabuuang 345.305 Yen o katumbas ng mahigit P150,000 ang nakolekta ng grupo ni Ravena.

May 239,805 Yen o mahigit P100,000 ang nalikom sa loob ng dalawang araw na fund raising ng koponan habang nakakolekta naman ng 105,500 Yen o mahigit P50,000 mula sa charity auction.

“In the disaster area support fund-raising activity of Typhoon No. 22, which caused damage to the Phi-lippines, 239,805 yen was raised in two days, and the charity auction had sales of 105,500 yen,” ayon sa post ng Shiga Lakestars.

Ido-donate ang natu-rang halaga sa UNICEF Natural Disaster Emergency Fund ng Japan Committee na siyang maghahatid ng suporta sa mga apek-tado ng bagyo.

“All of these will be donated to the Japan Committee for UNICEF Natural Disaster Emergency Fund to help support the affected areas,” ayon pa sa post.

Nauna nang nagpost si Ravena sa kanyang social media account upang ipaalam ang fund raising event nito katuwang ang Shiga Lakestars.

“There will be a fund-raising event for the Philippines, to all the victims of Typhoon Odette. I would like to thank my Shiga Lakestars family for putting this up. I appreciate all the support,” ani Ravena sa kanyang post.

KIEFER RAVENA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with