^

PSN Palaro

SMB pinalitan si Brown

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bago pa man ihayag ng San Miguel ang pagkuha kay balik-import Orlando Johnson ay nagpaalam na si Brandon Brown sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

“Thank you San Miguel for my time here,” ani Brown. “Thank you PBA for allowing imports to come to this country and do what they love. Thank you fans for the support. Happy you guys get to watch your favorite teams.”

“Dark B out,” dagdag ng American reinforcement na iginiya ang Beermen sa 3-2 record sa 2021-2022 PBA Governors’ Cup.

Nagposte ang 36-anyos na si Brown ng mga averages na 23.40 points, 12.60 rebounds at 5.0 assists sa kanyang limang laro para sa San Miguel ni coach Leo Austria.

Sinimulan ng Beermen ang torneo sa 0-2 bago humataw ng tatlong sunod na panalo para mapaganda ang kanilang estado.

Una namang naglaro ang 32-anyos na si Johnson para sa Barangay Ginebra noong 2015 kung saan siya naglista ng mga averages na 33.7 points at 11.3 rebounds sa 12 asignatura.

Kumampanya si Johnson para sa Brisbane team sa National Basketball League (NBL) sa Australia sa 2020-2021 season.

Nauna nang kinuha ng TNT Tropang Giga si dating NLEX import Aaron Fuller bilang kapalit ni McKenzie Moore habang ipapalit ng Blackwater si Shawn Glover kay Jaylen Bond.

Nagkaroon si Bond ng groin injury kaya nagtala lamang ito ng 2 points, 5 rebounds at 3 assists sa 75-98 pag­yukod ng Bossing sa Alaska Aces noong Disyembre 22.

Ang nasabing kabiguan ang nagpabagsak sa Blackwater sa PBA record na ika-24 sunod na kamalasan na nagsimula noong Oktubre ng 2020 sa Philippine Cup bubble sa Clark.

Sa 0-5 baraha ng Bossing sa Governors’ Cup ay tumipa si Bond ng mga averages na 12 points, 12.6 rebounds at 2 steals.

Nanggaling naman si Glover sa paglalaro para sa KR team sa Úrvalsdeild Karla league sa Iceland.

SMB

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with