^

PSN Palaro

Laklakan nauwi sa patayan: Mister tinadtad ng icepick

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang mister nang tadtarin ng saksak ng ice pick matapos mauwi sa katayan ang masa­yang inuman kamakalawa ng gabi sa Brgy. Salitran 4, lungsod ng Dasmariñas.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktimang si Patrick Arriola, residente ng nasabing lugar at tubong Inaclagan, Gumaca, Quezon.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang dalawang suspek na nakilalang sina Ronnel Velarde at Alvin Dela Cruz, kapwa nasa hustong gulang.

Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Arthur Rejano, ng Dasmariñas City Police, alas-9:00 ng gabi habang nasa kasarapan ng inuman ang biktima at mga suspek sa Blk 23 Lot 1-3 Phase 1 Garden Groove Brgy. Salitran 4, nang biglang magkaroon sila ng pagtatalo na kapwa malasing na. Pinagtulungan umano ng dalawang suspek na bugbugin ang biktima hanggang sa makakuha ng icepick si Dela Cruz at sunud-sunod na inundayan ng saksak sa likod ang biktima.

Duguang bumagsak ang biktima habang mabilis na tumakas ang dalawang suspek.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with