^

PSN Palaro

Coach Ato Badolato pumanaw sa edad 74

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumuhos ang pakikiramay para sa pamilya ni multi-titled coach Ato Badolato na namatay dahil sa cardiac arrest noong Linggo.

Magdiriwang pa sana ng ika-74 kaarawan si Badolato sa Disyembre 30 subalit hindi na ito matutupad dahil sa nangyari.

Kaliwa’t kanan ang maiinit na mensahe mula sa kanyang mga dating players sa San Beda juniors basketball team.

Kabilang na sa mga nagbigay ng tribute sina LA Tenorio at Gerry Esplana gayundin si coach Eric Altamirano.

“Sad news… the winningest High school coach, my mentor, Coach Ato Badolato passed away this evening. Will miss you,” ani Tenorio sa kanyang post sa social media.

Tumanaw ng malaking utang na loob si Tenorio dahil isa si Badolato sa tunay na naniwala sa kanyang kakayahan bilang basketball player.

“Ikaw ang malaking rason bakit ako nandito sa position ko ngayon. Tatanawin kong malaking utang na loob ang lahat ng ginawa mo sa akin bilang isang player,” ani Tenorio.

Nagpasalamat din si Esplana sa lahat ng natutunan nito kay Badolato mula noong nagsisimula pa lamang ito hanggang sa makatungtong sa PBA.

“Maraming salamat sa lahat ng tinuro mo sakin Wala pang Milo BEST pero meron ng San Beda BEST. I learned the basic fundamentals through your program,” ani Esplana.

ATO BADOLATO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with