^

PSN Palaro

Bossing Yuko sa E-Painters

Rusell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Bossing Yuko sa E-Painters
Tumipa si Rey Nambatac ng 11 sa kanyang 16 points sa third quarter para tulungan ang Elasto Pain­ters na ipinta ang 92-79 tagumpay sa Blackwater Bossing sa 2021 PBA Governors’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Rumatsada ang Rain or Shine sa third period  habang bumida si Matthew Wright para sa Phoenix sa kani-kanilang unang panalo sa 2021 PBA Go­vernors’ Cup.

Tumipa si Rey Nambatac ng 11 sa kanyang 16 points sa third quarter para tulungan ang Elasto Pain­ters na ipinta ang 92-79 tagumpay sa Blackwater Bossing sa 2021 PBA Governors’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Binanderahan ni balik-import Henry Walker ang Rain or Shine sa kanyang 20 points, 8 rebounds, 3 assists at 2 blocks habang may 16, 11 at 10 markers sina Javee Mocon, Gabe Norwood at Beau Belga, ayon sa pagkakasunod.

“Everybody talks about our culture just finding a way,” sabi ni coach Chris Gavina. “Siguro mas gigil pa rin kasi first game pa lang, may nervous factor pa sa first half.”

Buhat sa six-point deficit ay itinayo ng Elasto Painters ang 15-point advantage, 64-49, mula sa dalawang free throws ni Walker sa huling 2:11 minuto nito.

Tuluyan nang nabaon ang Bossing sa 58-78 pagkakalubog galing sa basket ni Belga sa 7:05 minuto ng fourth period.

Sa unang laro, umiskor si Wright ng 13 sa kanyang 17 points sa final canto para ibangon ang Phoenix mula sa 17-point deficit at balikan ang Terrafirma, 103-100.

Nagdagdag si Wright ng 10 assists, 6 rebounds at 2 steals para sa Fuel Masters at kumolekta si balik-import  Paul Harris ng 24 markers, 15 boards at  3 assists.

Ang free throw ni import Antonio Hester ang nagposte sa 17-point lead, 67-50, ng Dyip sa 6:51 minuto ng third period.

Bumida sa fourth quarter sina Wright, Harris, Jason Perkins, Chris Banchero at RJ Jazul para sa 100-94 kalamangan ng Phoenix sa huling 2:14 minuto ng final canto na naputol ng Terrafirma sa 100-102 sa natitirang 7.4 segundo mula sa layup ni Alex Cabagnot. (

RAIN OR SHINE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with