^

PSN Palaro

CHED nagsagawa ng occular inspection sa mga venues

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsagawa ang Commission on Higher Education (CHED) ng occular inspection sa mga venues na gagamitin ng student-athletes sa pagbabalik-ensayo ng mga ito.

Pinamunuan ito ni CHED executive director Cinderella Jaro kasama ang ilang opisyal ng NCAA management committee.

Isa-isang binusisi ng mga kinatawan ng CHED ang mga pasilidad ng mga NCAA teams na siyang magiging training bubble para sa nakatakdang pagbabalik-aksyon ng liga sa susunod na taon.

Ang mga venues ang magsisilbing bubble ng mga student-athletes, coaches, staff at officials kung saan walang ibang maaaring pumasok sa naturang venue.

Kabilang sa mga sinuri ang mga courts at dormitories kung sumusunod ang mga ito sa mga health protocols na inilatag ng CHED katuwang ang ilang sangay ng gobyerno.

Sa oras na makumpleto na ang inspeksiyon, inaasahang maglalabas na ng pahayag ang CHED kung kailan maaaring simulan ang ensayo ng mga student-athletes.

Pabor naman ang mga coaches at opisyal sa mahigpit na patakaran upang masigurong ligtas ang mga student-athletes, coaches at officials na papasok sa training bubble.

Target simulan ang Season 97 ng NCAA sa Pebrero.

Subalit para sa mga coaches, kailangang simulan na ang training camp ngayon pa lang dahil mangangailangan ng walo hanggang 10  linggo upang maibalik ang kundisyon ng mga atleta.

Halos dalawang taon ding natengga ang mga student-athletes dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic na pumutok noong nakaraang taon.

CHED

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with