^

PSN Palaro

Air Force lusot sa Manileño

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dumaan muna sa butas ng karayom ang Philippine Air Force bago itakas ang pahirapang 23-25, 25-23, 19-25, 25-23, 15-11 panalo laban sa VNS Manileño sa pagsisimula ng Champions League kahapon sa Aquamarine Recreational Center sa Lipa, Batangas.

Bumanat ng husto sina middle blocker Kim Malabunga at outside hitter Mark Alfafara sa hu­ling bahagi ng laro upang makuha ng Aguilas ang unang panalo.

Nagtala si Alfafara ng 19 puntos kabilang ang limang blocks at siyam na digs habang kumana naman si Malabunga ng 16 puntos tampok ang 15 attacks.

“Thankful pa rin sa panalo namin, although ganun ang kinalabasan si­yempre talagang nagi­ging maganda yung labanan namin,” ani Air Force head coach Dante Alinsunurin.

Nagdagdag naman si national team skipper John Vic De Guzman ng 16 puntos habang naglista si Edwin Tolentino ng 13 puntos at 16 receptions para sa Air Force.

Solido rin ang tambalan nina playmaker Kim Dayandante na may 18 excellent sets, at libero Ricky Marcos na umiskor ng 16 receptions at 14 digs sa panig ng Aguilas.

“Malaking bagay sa team namin si Mark (Alfafara) and Johnvic (De Guzman) ngayong Champions League dahil hindi available yung ibang players namin,” ani Alinsunurin.

PHILIPPINE AIR FORCE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with