_ngayon
^

PSN Palaro

Ginebra, 3 pang teams may bagong players

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Ginebra, 3 pang teams may bagong players
Patuloy na isusuot nina Almond Vosotros, Samboy de Leon, Lervin Flores at Jeremiah Gray ang uniporme ng Tropang Giga kagaya nina Tonino Gonzaga, Dexter Maiquez, Alfred Batino at Joseph Sedurifa ng Bolts.
STAR / File

MANILA, Philippines — Habang apat na bagong players ang ipaparada ng Barangay Ginebra, San Miguel, Terrafirma at Zam­boanga ay hindi naman binago ng first leg champions TNT Tropang Giga at runner-up Meralco ang kanilang lineup para sa second leg ng 2021 PBA 3x3 tournament.

Patuloy na isusuot nina Almond Vosotros, Samboy de Leon, Lervin Flores at Jeremiah Gray ang uniporme ng Tropang Giga kagaya nina Tonino Gonzaga, Dexter Maiquez, Alfred Batino at Joseph Sedurifa ng Bolts.

Sisimulan ng TNT ang kanilang kampanya sa second leg laban sa Zamboanga ngayong alas-2 ng hapon  habang haharapin ng Meralco ang Limitless Appmasters sa ikatlong laro sa alas-2:50 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Dinaig ng Tropang Giga ang Bolts, 21-18, sa finals ng first leg para angkinin ang premyong P100,000 noong Linggo.

Samantala, tinapik ng Ginebra si Rene Cunanan Jr. para palitan si Mykiel Cabahug at si Jhan McHale ang ipinalit ng San Miguel kay Bacon Austria.

Si Jebb Bulawan ang sasalo sa puwesto ni Matt Salem sa kampo ng Terrafirma at ipaparada ng Zamboanga si Reynaldo Demesa kapalit ni Al Daser Esa.

Sa ikaapat na laro sa alas-3:15 ng hapon ay sasagupain ng third-placer Purefoods TJ Titans ang Pioneer Pro Tibay.

GINEBRA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with