^

PSN Palaro

LeBron, Stewart suspendido

Pilipino Star Ngayon

NEW YORK - Kagaya ng inaasahan, pinatawan ng suspensyon ng NBA sina Los Angeles Lakers superstar LeBron James at Detroit Pistons center Isaiah Stewart dahil sa nangyaring insidente kamakalawa.

Isang one-game suspension ang ipinataw ng liga kay James, habang sinuspinde ng dalawang laro si Stewart.

Ito ang unang suspensyon sa 19-year career ni James, nagwagi ng apat na NBA championships para sa Cleveland Cavaliers, Heat at Lakers.

Bunga ng suspensyon ay hindi maglalaro si James sa pagharap ng Lakers sa New York Knicks at mawawala sa line-up ng Pistons si Stewart sa paglaban sa Miami Heat ngayon at sa nagdedepensang Milwaukee Bucks bukas.

Mawawala sa suweldo ni James ang $284,000 (halos P14 milyon) at $45,000 naman kay Stewart.

LOS ANGELES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with