^

PSN Palaro

Philippine muay nakahirit ng 6 medals sa World Martial Arts

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy ang pana­nalasa ng Philippine muay thai squad nang bumanat ito ng anim na medalya tampok ang tatlong ginto sa 2021 Online World Martial Arts Masterships.

Hataw si Jan Anaban nang kubrahin nito ang unang ginto ng Pilipinas matapos pagharian ang male shadow boxing under 18 class.

Pinayuko ni Anaban sina silver medalist Ananca ng Peru, at bronze winners Schramm ng Germany at Klaska ng Czech Republic.

Humataw din si Alyssa Mallari na nakaginto sa shadow box female under 16 division matapos gapiin sina silver medalist Ruben ng Trinidad and Tobago, at bronze medalists Alba Zari ng Palestine at Nava Rete ng Peru.

Umani pa ng ginto si Rhichein Yosorez makaraang pagreynahan nito ang female shadow box under 18 laban kina silver meda­list Niri ng Israel, at bronze medalists Ro Shani ng Sri Lanka at Chae Kaew ng Thailand.

Maliban sa tatlong ginto, may dalawang pilak at isang tanso din ang Pinoy squad sa torneo.

Nakapilak si Mary Grace Carluen sa shadow box female under 17 habang nakuha ni Olah ng Austria ang ginto, at tanso naman sina Otti Chova ng Czech Republic at Na Nan ng Trinidad and Tobago.

Naibigay ni Johnden Aldana Jr. ang isa pang pilak ng Pilipinas mula sa shadow box male under 16 habang nakatanso naman si Mckeen Lou Inojales sa shadow box male under 17.

MARTIAL ARTS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with