^

PSN Palaro

Pinoy karatekas hahataw sa world meet

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Babanderahan ni Jamie Lim ang kampanya ng national karatedo team sa prestihiyosong World Karate Federation Senior World Championships na gaganapin sa Nobyembre 16 hanggang 21 sa Dubai, United Arab Emirates.

Tiwala ang reigning Southeast Asian Games champion na makapagbibigay ng magandang laban ang Pinoy squad dahil sumailalim ang tropa sa matinding ensayo.

“I’m going there thin­king, I wanna get the medal, I wanna get the win. Right now, I’m just focusing on the training, trusting the process, trus­ting my coaches with the training they’re giving me. I’m just looking forward to it,” ani Lim sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum kahapon.

Mataas ang moral ni Lim na tutungo sa Dubai para tulungan ang pambansang delegasyon sa kampanya nito.

Naniniwala si Lim na marami itong matututunan sa World Championships dahil lalahukan ito ng pinakamatitikas na karatekas sa buong mundo.

“I’m going in here to win but I know it’s a win-win because for sure the experience will help me learn a lot,” ani Lim.

Alam ni Lim na matin­ding laban ang haharapin nito. Subalit handa ang anak ng dating PBA star na si Samboy na makipagsaba­yan upang makapagbi­gay ng karangalan sa bansa.

Huling nasilayan sa aksyon si Lim sa Olympic qualifiers na ginanap sa France noong Hunyo.

DUBAI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with