^

PSN Palaro

Mojdeh sumisid ng 2nd gold sa PSI tourney

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Mojdeh sumisid ng 2nd gold sa PSI tourney
Micaela Jasmine Mojdeh
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patuloy ang mainit na ratsada ng Swim League Philippines-BEST matapos itong sumungkit ng tatlong gintong medalya sa 2021 Philippine Swimming Inc. National Selection Bubble sa New Clark City Aquatic Center sa Capas, Tarlac.

Mas lalong lumakas ang pag-asa ni national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh na mapasama sa seniors national team matapos muling umariba sa kanyang paboritong women’s 400-meter individual medley.

Namayagpag ang 15-anyos at Grade 10 student ng Brent International School of Manila nang itarak ang bilis na 5:23.63 para pataubin si Gianna Garcia sa naturang event kung saan dalawa lamang ang lumahok.

Ito ang ikalawang ginto ni Mojdeh kasama ang kanyang unang gold sa women’s 1500-meter freestyle event (18:58.71) noong Biyernes.

“Masayang-masaya po si Jaz. Talagang ipinakita niya yung determinasyon niya kahit limitado ang training ng grupo dahil sa pandemya. Hopefully, po maganda rin ang oras na makuha ng iba pang member,” ani Joan, ina ni Mojdeh at founder ng SLP-BEST.

Nakasikwat din ng gintong medalya ang dalawa pang miyembro ng SLP-BEST na sina Jordan Ken Lobos at John Niel Paredes sa kani-kanyang events.

Nanguna si Lobos sa men’s 100-meter breaststroke nang magsumite ito ng 1:04.66 sapat para payukuin sina silver meda­list Samuel Alcos (1:05.84) at bronze winner Rian Tirol (1:05.96).

Hataw din si Paredes sa men’s 200m backstroke nang magtala ito ng 2:14.94 para gapiin sina Jose Mari Arcilla (2:17.14) at Yohan Cabano (2:21.52) na nagkasya sa pilak at tanso, ayon sa pagkakasunod.

Ang torneo ay isang qualifying event para sa international tournaments na lalahukan ng Philippine Swimming Inc. kabilang na ang 31st Southeast Asian Games at ang FINA World Championships.

“We are so proud of these swimmers. Our hardwork during training paid off and we’re looking forward to seeing them in some international tournaments that PSI will be joining next year,”  ani Joan.

BEST

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with