^

PSN Palaro

Mojdeh aabangan sa national team tryouts

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Mojdeh aabangan sa national team tryouts
Ang Philippines B.E.S.T (Behrouz Elite Swim Team
STAR/ File

MANILA, Philippines — Babanderahan ni swimming sensation Micaela Jasmine Mojdeh ang delegasyon ng Philippines B.E.S.T (Behrouz Elite Swim Team) sa pagsisi­mula ngayon ng Swimming National Selection (SNS) Bubble sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac.

Lalangoy ang 15-anyos na si Mojdeh sa girls’ 50, 100 at 200-meter butterfly, 400, 800 at 1,500m freestyle at sa 400m Individual Medley.

Bukod kay Mojdeh ay may 10 pang tankers na isasalang ang BEST, pinamumunuan ni Joan Cacho-Mojdeh, para sa nasabing national team tryouts na pamamahalaan ng Philippine Swimming Inc. (PSI).

Mahigpit na health and safety protocols ang ipinatutupad sa nasabing tryouts bubble.

“May two swab na gagawin bago pumasok sa bubble and then a­nother upon entering,” sabi ni Joan Cacho-Mojdeh.

Kabuuang 71 swimmers ang mag-aagawan para sa tiket sa national team sa naturang tryout na matatapos sa Linggo.

Apat na international competitions simula sa Dis­yembre ng taong ito ang lalahukan ng mabubuong koponan.

Una rito ang 2021 FINA (International Swimming Federation) World Swimming Championships (25 meters) na pakakawalan sa Disyembre 15 -20 sa Abu Dhabi.

Sa 2022 ay sasali ang tropa sa 2022 World Aqua­tics Championships sa Fukuoka, Japan, sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam at sa Asian Games sa Hangzhou, China.

BEST

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with