_ngayon
^

PSN Palaro

96% ng mga NBA players bakunado na

Pilipino Star Ngayon

NEW YORK - Inaasahan ni NBA Commissioner Adam Silver na magiging bakunado na laban sa COVID-19 ang 100% ng mga players sa pagsisi­mula ngayon ng 2021-2022 season.

“Roughly 96% of our players are vaccinated, and that number will likely tick up a bit when the season starts,” sabi kahapon ni Silver sa mga reporters.

Naging matagumpay ang vaccination program ng NBA sa kabila ng pagpalag dito ng NBA Players Association  habang supor­tado naman ito ng NBA Referees Association.

Isa si star guard Kyrie Irving ng Brooklyn Nets sa mga tumangging magpabakuna dahil sa kanyang sariling prinsipyo.

Sa city regulation ng New York City ay kaila-ngang bakunado ang taong papasok sa mga public indoor venues na nangangahulugan na hindi makakalaro si Irving sa mga home games ng Nets.

Bubuksan ng Milwaukee Bucks ang pagdedepensa sa kanilang titulo sa pagharap sa Nets habang magtutuos naman ang Los Angeles Lakers at Golden State Warriors.

Pinapirma ng Bucks si shooting guard Grayson Allen sa isang two-year, $20 million rookie extension para sa kanilang title defense.

Nahugot ng Milwaukee si Allen mula sa Memphis Grizzlies sa isang trade sa offseason.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with