_ngayon
^

PSN Palaro

UST humugot ng 2 key players

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuloy ang rebuilding ng University of Santo Tomas matapos humugot ng dalawang key players para sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament.

Ito ay sina Filipino-Australian Elijah Berret at 6-foot-5 Dave Magharing.

Dumaan sa matinding dagok ang Growling Tigers dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan nito noong nakaraang taon sa Sorsogon bubble.

Nalagas ang lineup nito matapos maglayasan ang key players ng tropa.

Kaya naman unti-unting bumabangon ang España-based squad para maibalik ang bangis ng kanilang tropa sa nalalapit na pagbabalik-aksyon ng UAAP.

Isa na rito ang pagkuha kay Barret na malalim ang karanasan.

Naglaro ito para sa Old School Basketball sa Australia kung saan tinulungan nito ang kanilang tropa para masungkit ang kampeonato sa dalawang malalaking torneo — ang Western Sydney Basketball Association at Basketball NSW (New South Wales) Youth League.

Nakuha rin ng Grow­ling Tigers si Magharing na galing sa Electron College Novaliches.

Malaking tulong sina Barret at Magharing para punan ang nabakanteng puwesto sa UST.

UAAP UST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with