_ngayon
^

PSN Palaro

Obiena nag-break muna sa kompetisyon

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Obiena nag-break muna sa kompetisyon
Pole vaulter Ernest John Obiena

MANILA, Philippines — Matapos sumabak sa anim na bigating torneo ay pansamantalang nagpapahinga ngayon si national pole vaulter Ernest John Obiena.

Tampok sa mga nilahukan niyang kompetisyon ay ang pagpoposte ng bagong personal best at pagsira sa 23-taong Asian record sa nilundag na 5.93 meters sa nakaraang 2021 Golden Roof Challenge sa Austria.

Para sa susunod na taon ay pinaghahandaan ng 6-foot-2 na si Obiena ang 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam at ang Asian Games sa Hangzhou, China

Wala pang eksaktong petsa kung kailan idaraos ang 2022 Vietnam SEA Games habang sa Set­yembre naman gagawin ang Hangzhou Asiad.

Bukod sa nasabing dalawang event ay plano rin ni Obiena na sumali sa 2022 World Athletics Indoor Championships sa Marso 18-20 sa Belgrade, Serbia.

Nauna nang tumapos ang 25-anyos na si Obiena sa 11th place sa nakaraang Tokyo Olympic Games sa nilundag niyang 5.70m.

Matapos ang Tokyo Olympics ay kaagad lumahok si Obiena sa Lausanne leg ng Diamond League kung saan siya tumapos sa fifth place noong Agosto.

Nagtala naman siya ng bagong personal best at national record na 5.91m sa Paris Leg.

ERNEST JOHN OBIENA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with