Lyceum kampeon sa NCAA online chess

MANILA, Philippines — Nasungkit ng Lyceum of the Philippine University ang korona sa NCAA Season 96 seniors’ online chess tournament.

Pinayuko ni Neymark Digno ng Lyceum si Carl Jaediranne Ancheta ng Arellano University sa championship round upang matamis na angkinin ang titulo.

Nagkasya lamang sa pilak si Ancheta.

Nakahirit ng tiket sa finals si Digno nang gapiin nito si University of Perpetual Help System Dalta bet Carl Zirex Sato sa semifinals.

Umabante naman sa gold-medal match si Ancheta nang igupo nito si Adrian Othniel Yulo ng College of Saint Benilde sa hiwalay na semis game.

Ito ang kauna-unahang titulo ng Lyceum sa chess tournament sa liga.

Nauna nang ginanap sa season na ito ang poomsae, speedkicking at volleyball skills challenge.

Show comments