^

PSN Palaro

Didal kaagad sasalang sa skateboarding tourneys

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kaagad sasabak sa torneo si national skateboarder Margielyn Didal matapos lumahok sa Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Paghahandaan ng 2018  Asian Games at 2019 Southeast Asian Games gold medalist ang Street League Skateboar­ding (SLS) Championship Tour sa United States.

Tumapos si Didal sa seventh place sa finals ng women’s street skate ng Tokyo Olympics skateboarding competition na pinagwagian ng 13-anyos na si Japanese Momiji Nishiya.

Ang pagkakaroon niya ng ankle injury mula sa isang nadiskaril na trick ang isa sa dahilan ng kabiguan niyang makakuha ng medalya.

Sinabi ng Skate Pilipinas na sasailalim ang 22-anyos na Cebuana skater sa strength and conditioning regimen para hindi na muling mangyari ang nasabing injury.

Nakatakdang lumahok si Didal sa first leg ng Street League sa Salt Lake City ngayong buwan kasunod ang second leg sa Miami sa Oktubre.

Magsisimula naman ang SLS Super Crown Championship sa Oktubre sa Jacksonville.

Nakasabay ni Didal na umuwi sa bansa si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz noong Hulyo 28 at kaagad dumiretso sa isang seven-day mandatoryquarantine sa Sofitel Hotel.

OLYMPIC GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with