^

PSN Palaro

Saso, Pagdanganan papalo na

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon
Saso, Pagdanganan papalo na
Bianca Pagdanganan
STAR/ File

TOKYO - Handang-handa na sina Fil-Japanese Yuka Saso at Bianca Pagdanganan na sumabak sa Tokyo Olympics women’s golf competition na hahataw ngayong umaga sa Kasumigaseki Country Club.

Maganda na ang panahon sa nasabing par-71 course matapos ulanin ang men’s tournament na pinagharian ni American Xander Schauffele.

Sinasabing may homecourt advantage ang 20-anyos na si Saso dahil sa kanyang pagiging pamilyar sa Japan weather bilang isang Japan Tour cardholder.

Binibigyan din ng malaking tsansa para sa Olympic gold medal si Saso matapos magreyna sa nakaraang 2021 US Women’s Open.

Sa first round ay makakasabay ni Saso sina LPGA stars Lexi Thompson ng US at Brooke Henderson ng Canada sa alas-7:25 ng umaga (Manila time).

“I’m going to be pla­ying against top players although I’ve been playing against great players in my past couple of tournaments. I’m going to enjoy it,” wika ni Saso.

Makakaharap naman ng 23-anyos na si Pagdanganan sa first round sina Leona Maguire ng Ireland at Matilda Castren ng Finland.

 

vuukle comment

YUKA SASO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with