^

PSN Palaro

Yulo babawi sa 2024 Paris Olympics

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ngayon pa lang, maghahanda na si Carlos Edriel Yulo sa pagresbak nito sa 2024 edisyon ng Olympic Games na idaraos sa Paris, France.

Bigo si Yulo na makasungkit ng medalya sa kanyang unang Olympic Game sa Tokyo, Japan.

Hindi ito nakapasok sa finals ng kanyang paboritong men’s floor exercise — ang parehong event na pinagharian nito noong 2019 FIG World Cham­pionships sa Stuttgart, Germany.

Kinapos din si Yulo sa men’s vault kung saan nagtapos ito sa ikaapat na puwesto para mabigong makapasok sa podium finishers.

Masaya si Yulo sa kabila ng kabiguan nitong makakuha ng medalya.

Malaking karangalan na para sa kanya ang maihanay sa pinakamahuhusay na gymnasts sa buong mundo.

“Sobrang saya lang po na nabilang po ako sa kanila. Pumasok po ako sa finals. Hindi ko po expected na may finals ako nung qualification. Pero sinu­werte po talaga,” ani Yulo.

Gayunpaman, gagamitin ni Yulo ang mga karanasang natutunan nito sa Tokyo Olympics para mas lalong maging malakas sa 2024 Paris Olympics.

Aminado si Yulo na dinamdam nito ang masamang performance sa floor exercise. Inamin nitong ibinuhos nito ang lahat sa pamamagitan ng pag-iyak.

“Umiyak po talaga ko. Iniyak ko po talaga. Hindi ko po siya kinaya na pigilan. Tsaka ayaw ko ring pigilan. Feeling ko lalakas pa ko kung ilabas ko siya,” ani Yulo.

Kaya naman nagdeklara na agad si Yulo na babalik ito sa Paris Olympics nang mas malakas.

“Babalik po kaming malakas (sa Olympics po sa Paris),” ani Yulo.

Nagpasalamat din si Yulo sa lahat ng sumuporta sa kanya partikular na sa kanyang mga coaches at pamilya na patuloy na gumagabay sa kanyang lakbayin.

vuukle comment

CARLOS EDRIEL YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with