_ngayon
^

PSN Palaro

Gold tangka nina Petecio, Obiena

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon
Gold tangka nina Petecio, Obiena
Si Pinay boxer Nesthy Petecio at pole vaulter EJ Obiena

Yulo nakuntento sa 4th place

TOKYO — Pipilitin nga­yon nina boxer Nesthy Petecio at pole vaulter Ernest John Obiena na maduplika ang nagawa ni weightlifter Hidilyn Diaz –– ang kunin ang Olympic Games gold medal.

Sasagupain ni Petecio si Japanese Sena Irie sa finals ng women’s featherweight class sa alas-12:05 ng tanghali sa Kokugikan Arena.

“Malaking bagay ito para sa akin. Dream ko ito at dream din ng tatay ko,” ani Petecio na inangkin ang gold medal ng 2019 AIBA Women’s World Championships noong 2019 sa Russia.

Gagamitin ng 29-anyos na si Petecio ang kanyang eksperyensa sa pakikipagtuos sa 20-anyos na si Irie.

Sa round-of-32 ay sinibak ni Petecio si Marcelat Sakobi Matshu ng Congo at isinunod si Olympic top seed at World No. 1 Lin Yu-Ting ng Chinese-Taipei sa round-of-16 at si Colombian Yeni Marcela Arias Castaneda sa quarterfinals.

Sa semifinals ay pinatalsik ni Petecio si Irma Testa ng Italy para makapasok sa gold medal round.

Bago sumalang si Petecio ay haharapin muna ni flyweight Carlo Paalam si Olympic at world champion Shakhobidin Zoirov ng Uzbekistan sa quarterfinals sa alas-10:15 ng umaga.

Nakatakda namang lumundag si Obiena sa finals ng men’s pole vault sa alas-6:20 ng gabi sa Japan National Stadium.

“Erase na iyong nangyari sa qualifying. Back to zero, start from scratch,” sabi ni coach Emerson Obiena sa 2019 Southeast Asian Games gold meda­list na nagtala ng 5.75m sa qualifying para makasama ng 11 pang finalist.

Ilan sa mga makakatapat ni Obiena sa finals ay sina world record holder Armand Duplantis ng Sweden at 2016 Rio Games champion Thiago Braz ng Brazil.

Samantala, minalas si gymnast Carlos Edriel Yulo na makakuha ng medalya nang pumuwesto sa fourth place sa finals ng men’s vault ng gymnastics competition kahapon sa Ariake Gymnastics Centre.

Nagtala si Yulo ng ave­rage score na 14.716 points mula sa 14.566 points sa first at 14.866 points sa se­cond vault para makatabla si Nikita Nagorny ng Russia.

Sa qualifying ay kumolekta ang 2019 world champion na si Yulo ng mas magandang 14.733 points para sa sixth place patungo sa eight-man finals.

Si Shin Jeahwan ng South Korea ang nagbulsa ng gold medal sa kanyang 14.783 points at ang silver at bronze ay kinuha nina Denis Abliazin (14.783) ng Russia at Artur Davytan (14.733) ng Armenia, ayon sa pagkakasunod.

OLYMPIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with