_ngayon
^

PSN Palaro

Choco Mucho lumapit sa semis spot

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Choco Mucho lumapit sa semis spot
Hinarang nina Ponggay Gaston at Maddie Madayag ng Choco Mucho ang atake ni Jovelyn Gonzaga ng Army.
PVL Image

MANILA, Philippines — Niratrat ng Choco Mucho ang Black Mamba-Army sa bendisyon ng 25-19, 25-23, 25-19 desisyon para makasiguro ng playoff sa semis slot sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Mainit ang palad ni opposite hitter Kat Tolentino na nagpasabog ng 18 puntos — lahat galing sa attacks — para banderahan ang opensa ng Choco Mucho.

“I think it was a team win everyone contributed with receive defense setting, spiking. I’m just thankful we all worked together, I wouldn’t be able to spike without these girls and without their consistent effort,” ani Tolentino.

Nag-ambag si team captain Maddie Madayag ng 11 puntos kasama ang apat na blocks habang kumana si Ponggay Gaston ng 10 hits at siyam na receptions.

Dahil sa panalo, napatatag ng Flying Titans ang kapit sa solong liderato bitbit ang imakuladang 6-0 baraha.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Choco Mucho para angkinin ang unang silya sa Final Four.

Sa kabila ng panalo, hindi kuntento si Choco Mucho head coach Oliver Almadro sa inilaro ng kanyang bataan partikular na sa third set kung saan nabasag ang malaking kalamangan ng Flying Titans para makalapit ang Lady Troopers.

“Bagsak ang Lady Troopers sa 2-4 marka kung saan kailangan nitong maipanalo ang kanilang mga nalalabing laro upang manatiling buhay ang pag-asa sa semis.

Naglista sina Honey Royse Tubino at Mary Jean Balse ng tig-10 puntos sa hanay ng Lady Troopers .

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with