_ngayon
^

PSN Palaro

Rosario ‘di dapat gayahin si De Ocampo — Reyes

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Rosario âdi dapat gayahin si De Ocampo â Reyes
Sinagupa ni Troy Rosario ng TNT sina Matthew Wright at Jason Perkins ng Phoenix sa huli nilang laro noong Linggo.
PBA Image

MANILA, Philippines — Sa kanilang preseason training camp ay sinabihan ni TNT Tropang Giga coach Chot Reyes si power forward Troy Rosario na huwag gayahin ang retirado nang si Ranidel de Ocampo.

Mas gusto ni Reyes na ipakita ni Rosario ang kanyang tunay na perso­nalidad sa loob ng court.

“Simple lang. I just told Troy in our team building, preseason training camp, sinabi ko kay Troy, ‘I don’t want you to be the next Ranidel De Ocampo. I want you to be the first Troy Rosario. Show me who Troy Rosario is.”

Sa 84-80 panalo ng Tropang Giga (3-0) sa Phoenix (1-4) ay humakot ang 6-foot-7 na tubong Mandaluyong City ng 15 points, 8 rebounds at 1 assist para sa kanilang ikatlong sunod na ratsada.

Sa nasabing tatlong panalo ng TNT ay kumo­lekta ang 29-anyos na si Rosario, produkto ng National University, ng mga averages na 14.0 points at 10.7 rebounds.

“I think that took a lot of weight off his shoulders,” ani Reyes kay Rosario. “Sabi ko maglaro ka lang. I don’t want you to be Ranidel. I need you to be Troy. I need the best Troy Rosario.”

Ang 39-anyos na si De Ocampo, isang six-time PBA champion at two-time Finals Most Valuable Pla­yer, ay nagretiro noong Abril ng nakaraang taon.

Kinuha siya ng Tropang Giga bilang assistant coach matapos ang dalawang buwan.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with