_ngayon
^

PSN Palaro

E-Painters nakabalik sa porma

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
E-Painters nakabalik sa porma
Tinangkang supalpalin ni Beau Belga ng Rain or Shine ang tira ni Roosevelt Adams ng Terrafirma.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinigil ng Rain or Shine ang kanilang two-game lo­sing skid matapos patumbahin ang Terrafirma, 83-77, tampok ang 17 points, 3 rebounds at 2 assists ni Rey Nambatac sa 2021 PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Itinaas ng Elasto Pain­ters ang kanilang kartada sa 4-2 at lalo pang inihulog ang Dyip sa 0-4 marka.

Nag-ambag sina Gabe Norwood at rookie Adrian Wong ng tig-15 markers para sa Rain or Shine na kumonekta ng 14-of-38 shooting sa three-point line at nakabangon mula sa 15-point deficit, 26-41, sa third quarter.

Umiskor si Juami Tiongson ng 20 points sa panig ng Terrafirma na nakahugot kina Roosevelt Adams, JP Calo, Joseph Gabayni at Bonbon Batiller ng 13, 11 at tig-10 markers, ayon sa pagkakasunod.

“It wasn’t until the fourth quarter that we started trapping them and we were able to make some stops,” sabi ni coach Chris Gavina sa kanyang Elasto Pain­ters na itinayo ang 12-point lead, 79-67, sa huling 5:26 minuto ng fourth quarter.

Nauna nang kinuha ng Dyip ang 65-61 abante sa pagtatapos ng third period bago naunahan sa final canto.

“Terrafirma made us fight till the end. That top ball screen action they were executing, we didn’t have an answer. In the fourth quarter we started trapping them and we were able to get defensive stops,” dagdag ni Gavina.

Dalawang sunod na triples ang isinalpak ni Norwood at may isang tres si Mark Borboran para sa 77-67 bentahe ng Rain or Shine sa fourth period.

Sa ikalawang laro, kinuha ng TNT Tropang Giga ang kanilang ikatlong sunod na panalo matapos igupo ang Phoenix, 84-80, para patuloy na solohin ang ikalawang puwesto sa team standings.

Humakot si forward Troy Rosario ng 15 points, 8 rebounds at 1 assist para sa 3-0 baraha ng Tropang Giga  habang may 13 at 10 markers sina RR Pogoy at Jayson Castro, ayon sa pagkakasunod.

“Siguro iyong collective effort. Every player na ipasok talagang nagko-contribute,” ni Rosario na inialay ang panalo para sa ika-58 kaarawan ni coach Chot Reyes.

RAIN OR SHINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with