_ngayon
^

PSN Palaro

Marcial pinatulog ang Armenian boxer

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon
Marcial pinatulog ang Armenian boxer
Tila trosong pinatumba ni Eumir Felix Marcial si Arman Darchinyan ng Armenia sa first round.
STAR/File

Sigurado na sa bronze medal

TOKYO — Maagang tinapos ni middleweight Eumir Felix Marcial ang laban para kaagad umabante sa semifinal round ng Tokyo Olympics boxing competitions sa Kokugikan Arena kahapon.

Pinabagsak ni Marcial si Arman Darchinyan ng Armenia sa 2:11 minuto ng first round ng kanilang quarterfinals match papasok sa medal round at makatiyak ng bronze medal.

“Kagaya ng sinasabi ko noon, ginagawa ko ito para sa bayan at para sa mga Pilipino na nagdarasal para sa akin,” sabi ng 25-anyos na tubong Zamboanga City.

Dalawang panalo pa ang kailangan ni Marcial para makopo ang ikalawang Olympic gold ng Pinas matapos kay Hidilyn Diaz sa weightlifting.

Sa semis sa Huwebes ay muling makakaharap ni Marcial si Ukrainian Oleksandr Khyzhniak na tumalo sa kanya noong 2018 Strandja Memorial sa Bulgaria.

“During nu’ng laban namin, na-injured ako, kaya natalo ako. Sa pakiramdam ko, kondisyon na kondisyon ako ngayon,” ani Marcial kay Khyzhniak.

Samantala, bukas ng alas-12:05 ng tanghali (Manila time) ay lalabanan ni featherweight Nesthy Petecio, nakasiguro na ng silver medal, sa finals si Japanese Sena Irie.

Haharapin naman ni flyweight Carlo Paalam si 2016 Rio Games champion Shakbobidin Zoirov ng Uzbekistan sa alas-11:05 ng umaga.

Kinagabihan ay pupuntiryahin ni EJ Obiena ang gintong medalya sa finals ng men’s pole vault sa Japan National Stadium.

Pipilitin naman ni gymnast Carlos Yulo na masikwat ang gold medal sa finals ng vault event nga­yong gabi sa Ariake Center.

Sa athletics, tatakbo si Fil-Am sprinter Kristina Knott sa qualifying ng women’s 200-meter run sa alas-10:18 ng umaga.

Sa Huwebes pa papalo sina female golfers Yuka Saso, ang 2021 US Women’s Open champion, at Bianca Pagdanganan sa Kasumigaseki Country Club.

Pumuwesto naman si Juvic Pagunsan sa 55th place sa men’s tournament mula sa kanyang one-under 70 para sa closing total na one-over 285.

EUMIR FELIX MARCIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with