_ngayon
^

PSN Palaro

Gilas laglag sa Jordan-A

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling lumasap ng ka-biguan ang Gilas Pilipinas sa Jordan-A, 74-84, upang mahulog sa battle-for-third match sa 10th King Abdullah Cup na ginaganap sa Prince Hamza Sport Hall sa Amman, Jordan.

Hindi nasustenihan ng Pinoy squad ang mainit na simula nito kung saan rumatsada agad sa 8-2 bentahe ang tropa.

Nagpasabog ng mainit na 26-7 ratsada ang Jordan para tapusin ang first quarter tangan ang 15 puntos na kalamangan.

Ito ang naging matibay na sandalan ng Jordan para tuluyang pabagsakin ang Gilas Pilipinas.

Nangibabaw para sa Pinoy cagers si naturalized player Angelo Kouame na humataw ng 20 puntos habang nagdagdag si Jordan Heading ng siyam na puntos galing sa tatlong three-pointers kasama pa ang limang rebounds, apat na assists at isang steal.

Nagrehistro sina Thirdy Ravena at Dave Ildefonso ng tig-walong puntos samantalang naglista sina Dwight Ramos, SJ Belangel at Carl Tamayo ng tig-anim na puntos.

Pinamunuan naman ni Ahmad Al Dwairi ang Jordan nang umukit ito ng double-double na 19 points at 16 rebounds.

Dahil sa kabiguan, makakalaban ng Gilas Pilipinas ang 2017 AfroBasket gold medalist Tunisia para sa 3rd place.

Nakatakda ang laro ng Pilipinas at Tunisia sa Linggo ng gabi.

Target ng Gilas Pilipinas na maulit ang kanilang 74-73 overtime win sa Tunisia noong Biyernes sa eliminasyon.

GILAS PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with