_ngayon
^

PSN Palaro

Pacquiao camp may kontra-demanda sa Paradigm Sports

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsampa ng kontra demanda ang kampo ni eigth-division world champion Manny Pacquiao laban sa Paradigm Sports Management.

Ipinunto ng Pacquiao camp na hindi natupad ng Paradigm Sports ang mga ipinangako nito tulad ng mega fight laban kay Ultimate Fighting Championship star Conor McGregor at ilang endorsements.

Ayon sa pangako ng Paradigm Sports, Disyembre 2020 o Enero 2021 dapat ang laban nina Pacquiao at McGregor.

Subalit naudlot ito matapos utusan si McGregor ng pamunuan ng UFC na harapin si Dustin Poirier noong Enero 26, 2021 na nagkaroon pa ng rematch noong Hulyo 10, 2021.

Naglabas ng statement ang legal counsel ni Pacquiao na si Atty. Dale Kinsella kung saan inilahad nito ang ilan sa kontra-demanda ng Pinoy champion.

“Manny Pacquiao’s cross-complaint filed today reveals in detail the complete sham nature of Paradigm’s complaint. We look forward to exposing Paradigm’s conduct in front of a jury and recovering both general and punitive damages,” ani Kinsella.

Ipinaliwanag pa ni Kinsella na kung alam lamang ni Pacquiao na hindi matutuloy ang laban kay McGregor, hindi na nito tinuloy pa ang pagpirma ng kontrata sa Paradigm Sports.

Ang Paradigm Sports ang humahawak kay McGregor.

“Pacquiao’s primary motivation for signing with PSM was their purported ability to set a very lucrative ‘mega-fight’ between Pacquiao and PSM’s star client, McGregor,” nakasaad sa kontra-demanda.

Isinampa ng kampo ni Pacquiao ang demanda sa California state court.

Nasa kasagsagan ng training camp si Pacquiao para sa laban nito kay WBC at IBF welterweight champion Errol Spence Jr. sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila).

Sa demanda ng Paradigm Sports, nais nitong ipatigil ang Pacquiao-Spence fight dahil sa umano’y “breach of contract” ng Pinoy pug sa kanilang ahensiya.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with