_ngayon
^

PSN Palaro

Go for gold!

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon
Go for gold!
Nesthy Petecio
AFP

Petecio nalusutan ang Italian boxer

MANILA, Philippines — Middleweight Nesthy Petecio ang tsansa ng Team Philippines para sa gold medal habang umabante si flyweight Carlo Paalam sa quarterfinals ng Tokyo Olympics boxing competitions kahapon.

Tinakasan ni Petecioang mas matangkad na si Irma Testa ng Italy via split decision sa semifinals ng women’s featherweight division para makatiyak ng silver medal patungo sa finals.

“Sobrang saya ko po,” sabi ng tubong Santa Cruz, Davao del Norte. “Hindi lang po para sa akin ito, para po ito sa bayan.”

Haharapin ng 28-anyos na si Petecio para sa gold medal sa Martes ang mananalo sa semis bout nina Karriss Artingstall ng Great Britain at Japanese Sena Irie.

Matapos angkinin ni Testa ang first round ay binalikan naman siya ni Petecio sa sumunod na dalawang rounds para sa kanyang come-from-behind win.

Gusto ni Petecio na maduplika ang binuhat na Olympic gold ni champion weightlifter Hidilyn Diaz.

Sakaling manalo sa finals ay si Petecio ang magiging unang Filipino bo­xing gold medalist at sasapawan sina silver medalist Anthony Villanueva (1964 Tokyo) at Onyok Velasco (1996 Atlanta).

Nagtala naman si Paalam ng unanimous decision win kay Mohamed Flissi ng Algeria papasok sa quarterfinals kalaban si Shakhobidin Zoirov ng Uzbekistan.

“Tiwala lang sa sarili, sa coaching staff at syempre sa Panginoong Diyos,” wika ng 22-anyos na pambato ng Cagayan de Oro.

Nakatakda namang sagupain ni middleweight Eumir Felix Marcial nga­yong alas-11:36 ng tanghali (Manila time) si Armenian Arman Darchinyan sa quarterfinals.

Kung mananaig si Marcial ay makakasiguro siya ng bronze medal patungo sa semis.

Sa golf, nawala na sa kontensyon si Juvic Pa­gunsan matapos maglista ng mababang five-over 76 at isang 54-hole total na two-over 215 at mahulog sa ika-56 matapos ang tatlong rounds.

Nauna nang napatalsik sina flyweight Irish Magno (boxing), Cris Nievarez (rowing), Kiyomi Watanabe (judo), Remedy Rule at Luke Gebbie (swimming), Jayson Valdez (shooting) at Kurt Barbosa (taekwondo).

Nasibak na rin si Pinay skater Margielyn Didal nang magtapos sa seventh place sa women’s street skate finals.

NESTHY PETECIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with