_ngayon
^

PSN Palaro

Gilas yuko sa Jordan- A

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas yuko sa Jordan- A
Jordan Heading
FIBA

MANILA, Philippines — Bigo ang Gilas Pilipinas na magarbong tapusin ang eliminasyon matapos yumuko sa Jordan-A sa iskor na 84-72 sa 10th King Abdullah Cup na ginaganap sa Prince Hamzah Sport Hall sa Amman, Jordan.

Maganda naman ang simula ng Gilas Pilipinas na nakakuha pa ng 41-36 kalamangan sa pagtatapos ng first half.

Subalit rumatsada ng husto ang host team sa third quarter kung saan hindi nakasabay ang Pinoy cagers para hatakin ng Jordan-A ang 67-56 bentahe.

Nagpatuloy ang matikas na kamada ng Jordan-A sa fourth quarter upang tuluyang payukuin ang Gilas Pilipinas.

Nanguna para sa Gilas Pilipinas si Jordan Heading na nagtala ng 15 puntos tampok ang apat na three-pointers.

Tinapos ng Gilas   ang eliminasyon bitbit ang 2-2 rekord upang malaglag sa third seed sa semis  habang umangat ang Jordan-A sa 3-1 marka para makuha ang No. 2 seed.

GILAS PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with