_ngayon
^

PSN Palaro

Petecio titiyak ng silver

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon
Petecio titiyak ng silver

Paalam papasukin ang Quarterfinals

TOKYO — Ito na ang tsansa ni Pinay fighter Nesthy Petecio na makalapit sa inaasam niyang Olympic Games gold medal.

Sasagupain ngayon ni Petecio si dating AIBA world junior titlist Irma Testa ng Italy sa semifinals ng women’s featherweight division sa Olympic Games boxing competitions sa Kokugigan Arena.

Ang suntukan nina Petecio at Testa ay nasa sa first session na magsisi­mula sa alas-11 ng umaga (alas-10 ng umaga sa Manila) kung saan ang mananaig ang papasok sa finals at makakatiyak ng silver medal.

Kasado na ang game plan ni Petecio laban kay Testa, ayon kay Team Phl coach Don Abnett.

“The Italian girl is similar to the Taipei girl but she hooks and sways back. So we’re gonna take a counter act move,” sabi ni Abnett.

Pinatalsik ni Petecio, nakatiyak na ng bronze nang makaabante sa semis, si top seed Lin Yu-ting sa round-of-32.

Kung papalarin si Petecio kay Testa ay madudup­lika niya ang silver medal nina Anthony Villanueva at Onyok Velasco noong 1964 Tokyo at 1996 Atlanta Olympics, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, haharapin ni flyweight Carlo Paalam si Mohamed Flissi ng Algeria sa round-of-16 sa alas-11:48 ng tanghali.

“Carlo was a good counter puncher when we held the bubble training. He’s dominating in counter punching on the right, and counter attacking,” ani Abnett.

Kamakalawa ay u­mabante si middleweight Eumir Felix Marcial sa quarterfinals habang nasibak naman si flyweight Irish Magno sa round-of-16. 

NESTHY PETECIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with