_ngayon
^

PSN Palaro

Obiena pipiliting makalusot sa qualifying

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon
Obiena pipiliting makalusot sa qualifying
Pole vaulter EJ Obiena

TOKYO — Ang malundag ang 5.80 metro para sa outright final entry o ang mapasama sa Top 12 papasok sa medal play.

Ito ang dapat magawa ni Pinoy pride Ernest John Obiena sa pagsisimula ng kanyang kampanya sa qualifying ng men’s pole vault competitions ngayon sa Japan National Stadium.

Nabawasan ng dalawang lahok ang event nang magpositibo sa COVID-19 sina American two-time world champion Sam Kendricks at German Chiaraviglio ng Argentina.

“Medyo nakakatakot, kasi nangyari sa kanya (Kendricks), so puwedeng mangyari kahit kanino. So we have to be careful,” sabi ni Emerson Obiena, ang father/coach ni Obiena.

Bilang pag-iingat sa COVID-19 ay pinili ng tropa ni Obiena na huwag nang pumasok sa Athletes Village at sa halip ay tumuloy sa Conrad Tokyo.

Si Swedish superstar Armand Duplantis ang paboritong manalo ng Olympic gold medal dahil sa hawak niyang world record na 6.18m.

Lulundag din sina 2016 Rio de Janeiro Olympics winner Thiago Braz ng Brazil, World No. 3 Piotr Lisek ng Poland, No. 4 Renauld Lavillenie ng France at Nilsen Christopher ng US.

May mga lahok din ang Argentina, Belgium, China, France, Germany, Great Britain, Greece, Italy, Japan, the Netherlands, Norway, Korea at Turkey.

Si hurdler Miguel White ang una at huling Pinoy na nanalo ng Olympic medal matapos kunin ang bronze medal noong 1936 edition sa Berlin.

ERNEST JOHN OBIENA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with