_ngayon
^

PSN Palaro

PBA lilipat sa Batangas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
PBA lilipat sa Batangas
Kumawala si No. 1 overall pick Joshua Munzon ng Terrafirma kay Aris Dionisio ng Magnolia.
PBA

MANILA, Philippines — Target ng pamunuan ng PBA na ilipat ang Season 46 Philippine Cup sa Batangas City sa oras na magsimula na ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).

Apektado ang PBA sa pagpapatupad ng ECQ dahil ginaganap ang Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Magsisimula ang ECQ sa Agosto 6 at matatapos sa Agosto 20.

Kaya naman nagpasya ang liga na dalhin ang mga laro sa Batangas City para maipagpatuloy doon ang season.

Nagpadala na ng sulat ang PBA sa Department of Health para ipaalam ang plano nito.

Nagpasya ang Inter-Agency Task Force (IATF) na magpatupad ng ECQ sa NCR dahil unti-unti na namang tumataas ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19).

Isa pang dahilan ang pagpasok sa bansa ng delta variant na mas mabag­sik kumpara sa regular na COVID-19.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with