_ngayon
^

PSN Palaro

Pacquiao masaya para kay Jalen Green

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao masaya para kay Jalen Green
Nag-pose si Manny Pacquiao at Fil-American Jalen Green nasungkit ng Houston Rockets bilang No. 2 overall pick sa 2021 NBA Draft.

MANILA, Philippines — Masaya si People’s Champion Manny Pacquiao sa tagumpay ni Filipino-American Jalen Green sa pangarap nitong makapaglaro sa NBA.

Itinanghal na second pick overall si Green sa ginanap na NBA Rookie Draft kahapon.

Napunta si Green sa Houston Rockets kung saan inaasahang malaki ang maitutulong nito upang mapaganda ang kampanya sa susunod na season ng liga.

Nagtala ng maasim na 17-55 rekord ang Rockets sa nakalipas na season para mabigong makapasok sa playoffs.

Naglaro si Green sa NBA G League kasama ang Ignite — ang koponang lalaruan sana ni Kai Sotto.

Umiskor ang 6-foot-6 Fil-Am cager ng ave­rages na 17.9 points, 4.1 rebounds at 2.8 assists kada laro para sa Ignite.

Sa pagpasok ni Green sa panibagong yugto ng kanyang basketbal career, isa si Pacquiao sa mga unang bumati sa kanya.

“Congratulations to Jalen Green on getting drafted #2 overall. lookinh forward to watching your journey to becoming a superstar,” ani Pacquiao sa kanyang post.

Kamakailan lamang ay dumalaw si Green sa training camp ni Pacquiao sa Wild Card Gym sa Hollywood, California para saksihan ang pagsasanay nito.

Nagpakuha pa ng la­rawan ang dalawa hawak ang isa sa world title belt ni Pacquiao.

Hindi itinatanggi ni Green ang pagkakaroon ng dugong Pinoy nito.

Sa katunayan, nais nitong dalhin ang bandila ng Pilipinas sa kanyang NBA stint gaya ni Filipino-American Jordan Clarkson na miyembro ng Utah Jazz.

Nakapaglaro na si Clarkson suot ang Gilas Pilipinas jersey noong 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.  

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with