^

PSN Palaro

Choco Mucho pinayuko ang BaliPure

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Choco Mucho pinayuko ang BaliPure
Tangkang haharangin ni Choco Mucho middle blocker Maddie Madayag ang atake ni Gen Casugod ng BaliPure.
PVL Image

MANILA, Philippines — Mainit pa rin ang kamada ng Choco Mucho nang pataubin nito ang BaliPure, 25-23, 23-25, 25-15, 25-21, para manatiling walang bahid ang rekord nito sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Nakahirit ang Water Defenders sa second set sa likod ng matikas na laro nina outside hitter Graze Bombita at middle blocker Gen Casugod.

Ngunit hindi na nakaporma pa ang BaliPure sa huling dalawang sets nang pamunuan ni Tolentino ang mainit na ratsada ng Flying Titans at tuluyang iselyo ang panalo.

“Alam mo naman ang Bali Pure since the tournament started, they’re so resilient. Yung hustle nila andun kapag nagulat ka sa hustle nila lalabas na dun cohesiveness ng team kung matagal na kami magkasama yun ang point dun,” ani Choco Mucho head coach Oliver Almadro.

Hindi maawat si opposite spiker Kat Tolentino na bumira ng 25 puntos mula sa 23 attacks at dalawang aces upang banderahan ang Flying Titans sa pagmartsa sa 5-0 marka.

Nagdagdag naman si middle blocker Bea De Leon ng 10 hits habang kumana sina Ponggay Gaston at Maddie Madayag ng pinagsamang 17 markers.

Matatag ang floor defense ni libero Denden Lazaro-Revilla na umiskor ng impresibong 31 digs at 10 receptions.

Bagsak sa 2-3 marka ang Water Defenders na nakakuha ng 15 puntos mula kay Bombita.

Bahagyang naantala ang laro nang mawalan ng ilaw ang venue subalit agad naman itong nagbalik para matapos ang laro ng Choco Mucho at BaliPure.

Walang laro ngayong araw upang bigyang-daan ang pagsasagawa ng swab testing sa lahat ng nasa bubble bilang bahagi ng health protocols na nakasaad sa Joint Admi­nistrative Order (JAO) ng PSC, GAB at DOH.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with