_ngayon
^

PSN Palaro

Hidilyn pinatawad na ang nagdawit sa kanya sa matrix

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Hidilyn pinatawad na ang nagdawit sa kanya sa matrix
Motorists drive by electronic billboards along EDSA in Mandaluyong and Makati cities on a rainy Tuesday morning, July 27, 2021 showing congratulatory messages for Olympian Hidilyn Diaz on her historic gold medal win in the women's 55 kilogram weightlifting at the 2020 Tokyo Olympics.
The STAR/Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Napatawad na ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang mga taong nagdawit sa kanya sa isang planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Umaasa si Diaz na hindi mangyayari sa iba pang national athletes ang pagkakasama niya sa inilabas na matrix ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo noong 2019.

Hiniling na rin ni Presidente Duterte sa tubong Zamboanga City na kali­mutan na ang nasabing isyu.

Samantala, ang pagbabalik sa kanyang pag-aaral at pagta-travel sa ibang bansa ang gustong gawin ni Diaz sakaling tuluyan na siyang magretiro.

Dahil sa pag-eensayo ay ilang beses nahinto sa kanyang kursong Business Management si Diaz sa College of St. Benilde sa Taft Avenue, Manila.

“Gusto ko ring maka­pagtapos sa college kasi maraming beses na rin akong nag-stop sa school,” wika ng 30-anyos na weightlifter sa panayam kagabi ng 24 Oras. “Gusto ko ring mag-relax sa buhay, makapag-travel.”

Bukod sa P10 milyon mula sa Philippine Sports Commission (PSC) base sa Republic Act 10699 o ang Expanded Incentives Act ay tatanggap din si Diaz ng dagdag na P5 milyon dahil sa pagtatala ng Olympic record.

Sa ilalim ng Republic Act 10699 ang isang national athlete na sumira ng Philippine record sa anumang measurable international sports competition ay bibigyan ng cash incentive ng PSC.

Ang total lift na 224 kilograms ni Diaz mula sa kanyang 97kg sa snatch at 127kg sa clean and jerk sa Tokyo Games ay isang Olympic record sa women’s 55kg division.

Naniniwala si Diaz na may mga atleta pang susunod sa kanyang mga yapak.

“Kailangan may direk­syon, kailangan may pa­ngarap,” ani Diaz.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with