_ngayon
^

PSN Palaro

Obiena lumakas ang tsansa sa Olympic gold

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maaaring lumakas ang pag-asa ni Pinoy pole vaulter Ernest John Obiena para sa ikalawang Olympic gold medal ng Pilipinas sa Tokyo, Japan.

Nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sina American two-time world champion Sam Kendricks at German Chiaraviglio ng Argentina na nagtanggal sa kanila sa kompetisyon.

“We are saddened to confirm that Sam Kendricks tested positive for Covid-19 and will not compete in the Olympic Games Tokyo 2020,” pahayag kahapon ng US Olympic and Paralympic Committee (USOPC) sa isang statement sa Twitter.

Si Kendricks ang kasalukuyang World No. 2 pole vaulter na lumundag ng gold medal sa nakaraang dalawang World Cham­pionships at may hawak na American record na 6.06 metro.

Maliban kay Kendricks, makakasukatan din ni Obiena sa Tokyo Games sina Swedish world record holder Armand Duplantis at 2016 Rio de Janeiro Olympics gold medalist Thiago Braz ng Brazil.

Nakasabay ng 25-an­yos na si Obiena sa training camp sa Formia, Italy ang 27-anyos na si Braz sa ilalim ni Ukrainian coach Vitaly Petrov.

Bukas ng umaga sasalang ang 2019 SEA Games gold medalist na si Obiena sa qualifying round sa Olympic Stadium habang sa Agosto 3 ang finals.

Naglista ang World No. 6 na si Obiena ng season best na 5.87m sa isang event sa Poland nitong Hulyo at dalawang beses nagsumite ng bagong Phi­lippine outdoor record.

ERNEST JOHN OBIENA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with