_ngayon
^

PSN Palaro

Gilas Pilipinas ginulpi ang Jordan-B

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy ang mainit na ratsada ng Gilas Pilipinas nang ilampaso nito ang Jordan-B sa bendisyon ng 90-63 demolisyon sa 10th King Abdullah Cup na ginaganap sa Prince Hamzah Sport Hall sa Jordan.

Mainit ang palad ni Dwight Ramos na humataw ng pitong three-pointers kabilang ang lima sa first quarter para dalhin ang Gilas Pilipinas sa 25-12 kalamangan.

Sa kabuuan, umani ang 6-foot-4 Filipino-American cager ng 21 puntos, anim na assists, limang steals at tatlong rebounds para pamunuan ang Gilas.

Nagdagdag naman si Justine Baltazar ng 13 puntos habang kumana si Jordan Heading ng 11 markers kabilang ang tatlong three-pointers.

Umiskor din si Carl Tamayo ng walong puntos at 10 rebounds.

Naitala pa ng Gilas ang pinakamalaking kalama­ngan na 31 puntos (90-59) sa huling tatlong minuto ng laro.

Gayunpaman, hindi isasama sa standings ang resulta ng mga laro kontra sa Jordan-B base na rin sa kahilingan ng Jordan Basketball Federation.

Mananatili sa 1-1 ang baraha ng koponan.

Nanguna para sa Jordan-B si Ahmad Obeid na nagsumite ng 14 puntos at anim na rebounds.

Sunod na makakasagupa ng Gilas ang Tunisia ngayong araw sa alas-12 ng madaling-araw.

Ang torneo ay bahagi sana ng paghahanda ng Gilas para sa FIBA Asia Cup sa Jakarta, Indonesia at Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Ngunit parehong inilipat ang FIBA Asia Cup at SEA Games sa susunod na taon dahil sa coronavirus disease (COVID-19) surge sa mga naturang host countries.

GILAS PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with