^

PSN Palaro

Hindi nagtimbre: Chinese weightlifting team 'banas' sa Tsinong coach ni Hidilyn Diaz

James Relativo - Philstar.com
Hindi nagtimbre: Chinese weightlifting team 'banas' sa Tsinong coach ni Hidilyn Diaz
Philippine Olympic gold medallist Hidilyn Diaz waves to photographers as she arrives at the Ninoy Aquino International Airport in Manila on July 28, 2021, following her return to her home country after she won gold in the women's 55kg weightlifting at the Tokyo 2020 Olympics
AFP

MANILA, Philippines — Inis na inis umano ang Olympic weightlifting team ng Tsina sa coach ng gold medalist na si Hidilyn Diaz matapos hindi ibahagi sa kanila ang lebel ng kakayahan ng Pinay, dahilan para siya ang magwagi sa kompetisyon.

Matatandaang naiuwi ni Diaz ang unang ginto ng Pilipinas sa Olympics nitong Lunes matapos niyang gapiin ang Tsinang si Quiyun Liao sa women's 55kg event, at sa kalaunan at nakapagtala ng record na 224kg sumatutal.

"Hindi makapaniwala ang China na ganito na ako kalakas, then siyempre si Coach din, hindi niya na-share sa China. Medyo nagalit kasi ang China din sa kanya kasi hindi niya na-share kung saan na yung lakas ko," ani Diaz, Huwebes, sa panayam ng ANC.

"Siyempre... ‘bakit niya ishe-share?’ Nandito kasi siya para mag-work, to work for me para palakasin ako. So, siyempre mixed feelings ‘yun sa atin kasi nga dahil sa political, international [issue]... 'yung [West Philippine] sea natin. Walang giyera, pero nai-representa ko ang Pilipinas, natalo ko ang China."

2018 nang kunin ng "Team HD" weightlifting team ng Pilipinas si coach Gao Kaiwen, isang Tsino, sa tulong ng Philippine Sports Commission, matapos manalo si Hidlyn ng ginto sa Asian Games 53kg class noong taong 'yun.

Dating head coach ng Chinese national women's army team si Gao. Nakipagtulungan siya sa conditioning coach na si Lujius Naranjo para palakasin nang husto si Hidilyn para sa 2021 Tokyo Olympics.

"Ang tingin kasi nila sa akin, for how many competition na na nagawa ko, ang total ko is 214 kg lang, 215, 212 at hindi nila nakita yung best ko. So, sabi nila, ‘Ay hindi, hindi yan mananalo, si Diaz, hindi yan, imposible yan.’ So nung laro, nabigla sila na malakas ako," patuloy ng atleta.

Dagdag pa ni Hidilyn, karaniwang "five out of five" gintong medalya ang naiuuwi ng Beijing. Gayunpaman, siyam sa 10 lang ang nakuha nila sa ngayon dahil nakuha ni Diaz ang isa.

Sa lahat ng bansa, Tsina ang kasalukuyang may pinakamaraming gintong medalya sa Olympics ngayong taon, bagay na umaabot na sa 14. 

Milyun-milyong piso, bahay at lupa, at libreng air travel sa loob ng limang taon ang gantimpala ni Diaz mula sa gobyerno at pribadong sektor bilang pagkilala sa kanyang efforts sa larangan ng pampalakasan ngayong taon.

Sa kabila nito, pwedeng buwisan ang mga prize ni Diaz, dahilan para maghain si Rep. Joey Salceda (Albay 2nd District) ng panukala para magkaroon ng tax exemptions sa mga reward ng nananalong atleta.

vuukle comment

2021 TOKYO OLYMPICS

CHINA

HIDILYN DIAZ

WEIGHTLIFTING

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with